Pseudoeconomist

Channeling of Thoughts from a Frustrated Writer and a Certified Complainer

Friday, December 22, 2006

Pinoy Wannabees

i just would like to share my reaction paper and analysis in my PanPIL17 class. The papers are about the play i watched 10 months ago. it's kind of late but it was a really good play.

Ang Pinoy Wannabees ay binubuo ng mga dula na nakapaloob sa isang dula na tumatalakay sa mga ilang issue na hinaharap ng ating lipunan ngayon. Kung gagamitin ang Marxism upang suriin ang parteng may family reunion, makikita na taliwas ang mga trabaho ng magkapatid sa ibang bansa sa kanilang mga natapos na kurso sa kolehiyo dito sa Pilipinas. Dahil malaki ang kita sa pagiging caregiver sa ibang bansa kaysa sa pagiging isang dentista o isang surgeon, ang magkapatid ay mas pinili ang pagiging caregiver upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang pagiging caregiver sa ating panahon ngayon ay naging patok, dahil sa mabilis na ang proseso ay magkakaroon pa ng instant na trabaho sa ibang bansa. Iyan ay kung hindi illegal ang caregiver school o agency na napasukan. Ang mga caregiver schools o pagiging caregiver ngayon ay napabilang na sa kulturang popular dahil sa maraming mga tao ang tumatangkilik dito. Naging sistema na sa Pilipinas ang pag-eenrol sa mga caregiver schools ng mga taong gusto o desperadong makapunta sa ibang bansa. Sa isang parte rin ng dula ay makikita na ang ginawang solusyon ng mag-anak sa kanilang mga problema ay pagpunta sa ibang bansa upang maging caregiver. Kahirapan din ang dahilan ng lalaki doon sa isang parte ng dula kung saan may dalawang Pinoy na gustong makapunta sa ibang bansa. Dahil nga naman mahirap ang buhay dito sa Pilipinas ay ginagawang solusyon ang pagpunta sa ibang bansa upang maiahon ang pamilya sa kahirapan. Makikita rin sa dula ang issue ng feminism. Ito ay evident sa parteng may isang babaeng nagpapahayag ng kanyang mga suliranin gamit ang pagmomonologue. Kaniyang isiniwalat ang pisikal na pang-aabuso ng kanyang asawa sa kaniya. Inilahad din niya na dahil hindi sapat ang kinikita ng kaniyang asawa ay kinailangan niyang mag doble kayod upang matugunan lamang ang pangangailangan ng kaniyang mga anak kahit hindi niya responsibilidad ang pagtatrabaho. Sa parteng iyon ng dula ay binibigyan diin ang paghihirap ng isang ina na dulot nang opresyon sa kababaihan. Ang issue ng sex, gender at sekswalidad ay makikita rin sa dula. Makikita ang issueng ito sa parte kung saan makikita ang isang lalake na umibig sa kaniyang kapwa lalake. Kahit sila ay biological na ipinanganak na isang lalake ay mas pinili nilang maging asal babae. Kitang kita na sa kabila ng pagkakaroon nila ng penis ay lumalabas pa rin ang kanilang femininity. Ang isa sa kanila ay ganap na homosexual ngunit ang isa naman ay pagdating sa France ay nakakita ng isang dilag na sa kalaunan ay dinala niya sa Pilipinas. Sa kabila ng kanilang pagproject ng kanilang femininity naging sexual preference parin ng isa ay ang both sexes samantalang ang isa ay sa parehong sex lamang. Merong din isang eksena sa parte ng family reunion kung saan ang isa sa mga magkakapatid ay isang bakla. Hindi ito tanggap ng kuya niya na galing sa ibang bansa. Ito ay kanyang nilait dahil sa kanyang katauhan. Makikita lamang na hindi pa lubusang tanggap ng ating lipunan ang mga taong nabibilang sa tinatawag na ikatlong kasarian. Sa pangkalahatan, ang Pinoy Wannabees ay isa lamang sa mga dula na tumutuligsa sa paghahari ng dominant class sa ating lipunan. Maaaring layon nito na imulat ang mga tao sa mga issue na kinakaharap ng lipunan ngayon. Maaaring hindi tayong lahat ang naaapektuhan sa mga issue na nakikita sa dula, ngunit hindi ito dahilan upang tayo’y magsawalang kibo lamang at manatiling tahimik habang ang iilan sa ating kababayan ay naaapektuhan ng mga issue.

Inter-textual Analysis ng dulang Pinoy Wannabees at show na Pinoy Abroad

Sa ginawang panghahambing ng Pinoy Wannabees at Pinoy Abroad, naging basehan ang una dahil ito ang aking unang napanood. Parehong tungkol sa Overseas Filipino Workers ang tema ng dalawang palabas. Pinapakita rin sa dalawang palabas na ang sanhi ng pagpunta ng mga tauhan sa ibang bansa ay kahirapan. Ang mga tauhan sa parehong palabos ay silang mga nangarap na maiahon ang kanilang mga pamilya sa kahirapan. Ngunit ang pagkakaiba nila ay ang Pinoy Wannabees ay talagang tinatalakay ang mga problema ng lipunan ukol sa mga OFW’s. Ang pagtalakay sa mga issue sa Pinoy Wannabees ay hindi lamang na maituturing na skin deep lamang hindi katulad ng sa Pinoy Abroad. Ang pokus lamang ng sa Pinoy Abroad ay maipakita na merong mga Pilipino sa ibang bansa na nagtatrabaho. Kapansin pansin din na sa unang bahagi ng palabas ay pinapakita ang mga magagandang tanawin o ang kagandahan ng bansa. Parang naging daan ang palabas upang pausbungin ang turismo sa ibang bansa. Sa huli pa ng palabas ay tinuturuan ang mga manonood kung paano makapunta sa ibang bansa ng mas madali. Ang mga segment na para sa mga OFW ay maituturing na hegemonic kasi hindi gaaanong pinapakita ang mga disadvantages ng pagiging isang OFW. Pinapakita lamang ng show na nakakabuti sa mga mamamayan ang pagpunta sa abroad. Pinapakita lang nito ang mga magagandang mga bagay ng pagiging isang OFW para na rin kumita ang show. Maaring magkaroon ang mga tao ng false consciousness na pag nasa ibang bansa ay malaki ang kita na siyempre totoo ngunit itinatago ang mga disadvantages. Maaring mapilitan ang tao na magkaroon ng ibang trabaho sa ibang bansa na hindi naman niya linya o gusto. Samantala, ang Pinoy Wannabees ay hindi lamang tumatalakay sa iisang issue na kinakaharap ng mga OFW’s ngunit mula sa issue ng sekswalidad hanggang sa issue na pampamilya. Isinisiwalat ng dula ang mga mga magagandang dulot ng pagiging isang OFW ngunit hindi rin nito tinatago ang mga disadvantages. Hindi one sided ang pagtalakay ng dula sa mga issue ng mga OFW’s. inilalapat nito ang lahat ng mga puwedeng sitwasyon ngunit hindi nagbibigay ng kasagutan na ang manonood lamang ang maaaring makapagbigay. Walang takot nitong pinaparating ang mga paghihirap ng mga gusto o sa kasalukuyan ay mga OFW.

Sa pangkalahatan, ang show na Pinoy Abroad ay isang paraan ng dominant class upang gawing kaaya-aya ang labas ng pagiging isang OFW. Tinatago nito ang maaaring pangit na maidudulot nito sa mga tao. Samantala, ang dulang Pinoy Wannabees ang siyang nagmumulat sa tao kung ano talaga an gibing sabihin ng pagiging isang OFW.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home